MANILA, Philippines - Isang trak ang naaksidenteng nahulog sa tulay na ikinasawi ng tatlong katao at pagkasugat ng 27 iba pa naganap kamakalawa ng hapon sa Purok 9, Brgy. Sinuda, Kitaotao, Bukidnon.
Ang mga nasawing biktima ay kinilalang sina Renaria Jidonia ng Davao City; Janus Aguda ng Sultan Kudarat at Ruth Rubina.
Ang mga nasugatang biktima na karamihan ay nagtamo ng malulubhang sugat sa katawan ay nilalapatan ng lunas sa German Hospital.
Sa ulat, bandang alas-3:00 ng hapon ay kasalukuyang bumabagtas sa Simud Bridge ang kulay puting Forward truck (WPI-490) nang aksidente itong mahulog sa nasabing tulay.
Kagagaling lamang umano ng nasabing truck sa Mountian View College at habang bumabagtas sa nasabing tulay ay nasiraan ng preno bunsod upang mawalan ng kontrol sa manibela ang driver ng behikulo at tuluy–tuloy na bumulusok sa tulay.-