MANILA, Philippines - Humingi ng paumanhin ang Olongapo Electricity Distribution Company, Inc. (OEDC) sa mga kostumer nito at sa publiko hinggil sa pagkaantala ng pagbalik ng kuryente noong Mayo 18 sa Olongapo City.
Sa inilabas na open letter, sinabi ng OEDC na dahil sa kinakailangang pagkumpuni sa linya nito, isinabay ang pagkumpuni sa maintenance works ng National Grid Corporation of the Phil. sa linya nito at kinakailangang patayin ang suplay ng kuryente sa buong Olongapo.
Ang kuryente ay nakatakda sanang ibalik ganap na ala-6:00 ng gabi, subalit dahil sa kalubhaan ng kondisyon ng 75-feet pole sa bundok ng Barangay Kalaklan ay kinailangang pahabain ang oras ng pagtatrabaho upang matapos ito.
Kasunod nito, nangako ang OEDC na mag-iingat na ito sa pagbibigay ng anunsyo lalo na at may kaugnayan sa pagbabalik ng kuryente.