^

Police Metro

Mag-ina kinidnap ng Abu

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang lady trader na Tsinoy at anak nitong babae ang dinukot ng 10 armadong kalalakihan na pinaniniwalaang mga Abu Sayyaf Group kamakalawa ng gabi   sa kahabaan ng Magno Extension, Brgy. Port, Isabela City, Basilan.

Ang mag-inang biktima ay kinilalang sina Dina Lim Iraham, 45, at Yahong Tan, 19.

Batay sa ulat, dakong alas-9:35 ng gabi nang dukutin ang mag-ina sa Dalby’s Videoke House sa I. Magno Extension, Brgy. Port Area, Isabela City, Basilan na pag-aari ng kanilang pamilya.

Nabatid na pumasok sa nasabing establisyimento ang sampung armadong suspek na pawang nakasuot ng camouflage uniform at agad na tinutukan ng baril ang mag-ina.

Isinakay ang mag-ina sa dalawang pumpboat na ang isa ay kulay asul na naispatang nakadaong  sa pier ng Isabela City Boulevard ilang oras bago ang pagdukot.

Naglunsad na ng search and rescue operations ang security forces upang iligtas ang mag-ina.

vuukle comment

ABU SAYYAF GROUP

BASILAN

BRGY

DINA LIM IRAHAM

ISABELA CITY

ISABELA CITY BOULEVARD

MAGNO EXTENSION

PORT AREA

VIDEOKE HOUSE

YAHONG TAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with