MANILA, Philippines - Muli umanong nagdugo ang sugat mula sa operasyon ni Janet Lim Napoles kaya naman ay hihilingin ng abogado nito na manatili ito ng mas matagal sa Ospital ng Makati (OSMAK).
Ayon sa abogado ni Napoles na si Atty. Bruce Rivera na may tatlong araw na ang pagdurugo ngunit sinabi lamang ito sa kanya kamakailan lang dahil sa inakala na normal lamang ang pagdurugo kaya ipinagwalang bahala ito.
Nang isailalim sa check-up kamakalawa ay sinabi ng mga doktor na hindi normal ang pagdurugo dahil sa tinanggalan na siya ng matris.
Ayon kay Dr. Efren Domingo na noong Mayo 17 pa nag-umpisa ang pagdurugo na maaaring ang dahilan ay ang pagbigay ng “vaginal wall†at posible rin na mabagal ang paghilom ng sugat nito dahil sa sakit nitong diabetes.
Na-confine sa ospital si Napoles noong Marso 31 at sumailalim sa operasyon nitong Abril 23 upang tanggalin ang namuong “cyst†o bukol sa kanyang obaryo at uterus.
Matatandaan na noong Martes ay ibinasura ni Judge Elmo Alameda ng Makati RTC Branch 150 ang mosyon ni Napoles para sa ekstensyon sa pananatili sa pagamutan dahil sa magbibigay pa ito ng dagdag na testimonya ukol sa kaso sa “pork barrelâ€.
Sinabi naman ng dating abogado ni Benhur Luy na si Atty. Levito Baligod na ‘alibi’ o nagdadahilan na lamang si Napoles at hindi dapat agad paniwalaan dahil sa taglay nitong reputasyon sa pagsisinungaling.
Bagaman duda ay iginiit niya na bilang tao ay karapatan pa rin ni Napoles na magpatingin sa doktor.
Hinamon naman ni Senador Edgardo Angara dapat magpakita ng pruweba na totoong nangyayari kay Napoles upang manatili ito sa ospital.
“Well sa akin, yung internal bleeding, mahirap idahilan yun; kelangan ipakita din yun,†pahayag ni Angara.