MANILA, Philippines - Isang Chinese national at isang Pinoy ang nadakip ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isinagawang buy-bust operation sa Pasay City at Caloocan City.
Kinilala ang mga naarestong suspek na sina Gao Qiang, 24, alyas “Kevinâ€, Chinese national, residente ng Cluster 5, Montecita sa Pasay City at Gilbert Villagen, alyas Tata, 32, walang trabaho, ng Vanguard 178, Area D, Camarin II, Caloocan City.
Si Qiang ay ilang buwan na tinugaygayan ng mga operatiba at nang mag-positibo ay sinimulan ang isang buy-bust operation.
Nakipagtransaksyon si Qiang sa isang ahente ng PDEA na nagpanggap na poseur buyer na bibili ng isang kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P5 milÂyon at nang magkasundo ay nagpalitan ito ng items sa kahabaan ng New Port Blvd. sa Pasay City at dito naaresto si Qiang.
Si Villagen naman ay sinasabing “bigtime†na tulak ng shabu ang nasakote ng PDEA at at Northern Police District (NPD) sa isang opeÂrasyon na nagresulta sa pagkakakumpiska ng higit P300,000 halaga ng shabu matapos na magpanggap na buyer ng 150 gramo ng shabu ang isang asset ng pulisya.
Ang dalawa ay kinasuhan ng paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002. Ricky Tulipat, Danilo Garcia