Anti-trust bill uusad na sa Kamara

MANILA, Philippines - Itinakda na ng House Committee on Trade and Industry ang hearing kaugnay sa anti-trust bill na naglalayon malimitahan ang monopolya at hindi patas na kompetisyon ng mga negosyo sa bansa.

Itinakda ni Las Piñas Rep. Mark Villar, chairman ng  komite ang hearing sa  Miyerkules matapos na maghain kamakailan lamang si Deputy Speaker Sergio Apostol ng sarili nitong bersyon ng Comprehensive anti-trust bill bunsod na rin sa pagposisyon ng bansa sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) regional economic integration sa susunod na taon.

Sinabi naman ni Parañaque Rep. Gus Tambunting na ang Pilipinas ang isa sa limang bansa na kabilang sa Asean na walang anti-trust law.

Nauna naman naghain ng kanilang bersyon ng naturang panukalang batas sa Kamara  sina House Speaker Feliciano Belmonte Jr., Rep. Rufus Rodriguez at  Rep. Marcelino Teodoro samantalang sa Senado naman ay sina  Senators Sergio Osmeña, Teofisto Guingona III, Paolo Benigno Aquino IV, Miriam  Defensor-Santiago at Jinggoy Estrada.

Matapos ang public hearing ay iko -consolidate bilang single measure ang nasabing panukalang batas.

Giit ni Tambunting, napapanahon na ang comprehensive competition bill ni Apostol para sa nalalapit na economic integration ng mga bansa sa Southeast Asia sa 2015.

 

Show comments