MANILA, Philippines - Pinagbabaril ng mga maskaradong lalaki ang isang pamilya na ikinasawi ng padre de pamilya at pagkasugat ng dalawang anak nito kamakalawa ng gabi sa Brgy. Sta. Ana, Tubay, Agusan del Norte.
Hindi na umabot ng buhay sa pagamutan ang biktimang si Nestor Juevesano Nanual, 33. Habang malubhang nasugatan ang dalawang anak nito na sina Nehjane, 12 at Shantie Nanual, 2.
Masuwerte namang hindi tinamaan ang misis ni Nestor na si Ginalyn.
Batay sa ulat, dakong alas-8:00 ng gabi ay lulan ang mag-anak ng motorsiklo at binabagtas ang nasabing lugar pauwi sa kanilang bahay mula sa isang birthday party nang pagbabarilin ng mga suspek.
Hindi pa batid ng pulisya ang motibo nang pamamaril.