Benhur hindi nagbigay ng permiso para ilabas ang Napoles list

MANILA, Philippines - Walang pinahintulutan si whistleblower Benhur Luy na maglabas ng listahan ng mga mambabatas na isinasangkot sa pork barrel scam.

Ayon sa abogado ni Luy na si Atty. Raji Mendoza, hindi otorisado ng kanyang kliyente ang sinumang nagbigay ng Napoles list na isinapubliko.

Posible aniyang may nakakuha ng kopya ng listahan mula sa isa sa mga kamag-anak ni Luy galing sa digital files ng whistleblower.

Kasabay nito ay sinabi ni  Mendoza na hindi sila payag sa hirit ni Napoles na mabigyan ng immunity at maging state witness.

Dahil anya, kapag nangyari at nagtagumpay ito sa panggugulo sa kaso ay tiyak na magagalit lamang ang taumbayan.

Sapat na anya ang mga hawak na ebidensya ni Luy kaugnay ng pork barrel scam at hindi na kaila­ngan pa si Napoles.

Show comments