MANILA, Philippines - Unti-unti ng natatanggap ng sumukong puganteng modelong si Deniece Cornejo ang kanyang kapalaran sa makipot nitong kulungan sa Camp Crame matapos ang ilang linggong pagkatulala na halos hindi makatulog.
Ayon sa source, nakakapag-adjust na si Cornejo sa loob ng temporary detention center nito sa PNP-CriÂminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG).
Kung noong una ay hindi makausap at tulala si Cornejo ngayon ay panay na ang ehersisyo nito tuwing umaga sa loob ng detention center at nagagawa na nitong maglagay ng make-up at madalas ring nakikipagkuwentuhan sa kaniyang mga kapwa detainee.
Sa ilang linggo nang pagkakakulong ay bumigat na ang timbang ni Cornejo na hindi pihikan sa pagkain.
Kapag wala itong kausap ay palaging may nakalagay na headset sa taynga at nakikinig ng musika.
Madalas na bumisita kay Cornejo ay ang kaniyang Lola Florencia at isa pang dalagita na may hawig dito.
Naghain ng mosyon kamakailan ang kampo ni Deniece na manatili na lamang ito sa PNP CIDG Detention Center kaysa mailipat ito sa Taguig City Jail.