^

Police Metro

Nagwala pag-uwi ng bahay... Lasenggerong anak kinatay ng tatay

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinagtataga hanggang sa mapatay ng isang ama ang kanyang lasenggerong anak matapos na muli itong magwala kamakalawa sa Banga, South Cotabato.

Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang biktima na si Fred Lucias Jr., sanhi ng malalim na mga taga na tinamo sa katawan nito. 

Tumakas ang suspek na ama nito na si Fred Lucias Sr., nahaharap sa kasong parricide.

Sa  ulat, dakong alas-5:00 ng hapon ay umuwing lasing ang biktima galing sa pakikipag-inuman ng tuba sa kaniyang mga kaibigan at nagha­mon ng away na bagay na ikinagalit ng ama.

Kumuha ng itak ang suspek at inundayan nang sunud-sunod na taga ang anak hanggang sa bumulagta ito.

vuukle comment

AMA

ANAK

BIKTIMA

FRED LUCIAS JR.

FRED LUCIAS SR.

KUMUHA

PINAGTATAGA

SOUTH COTABATO

TUMAKAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with