^

Police Metro

Pagbomba sa munisipyo nasilat

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang uri ng bomba ang narekober ng mga otoridad sa harap ng munisipyo ng Shariff Aguak, Maguindanao kamakalawa ng gabi.

Ayon kay Maguindanao Provincial Police Office (PPO) Director P/Sr. Supt. Rodelio Jocson, pasado alas-8:00 ng gabi nang masilat ng kanyang mga tauhan  ang isang Improvised Explosive Device (IED) sa lugar bago pa man ito tuluyang sumabog at makasakit ng mga sibilyan.

Nabatid kay Jocson  na isang sibilyan ang nagreport sa mga otoridad hinggil sa kahinahinalang bagay na inabandona sa harapan ng munisipyo kung kaya’t agad itong nirespondehan ng mga otoridad at ikinordon ang lugar matapos na makumpirmang isa itong bomba.

Matagumpay namang nai-detonate ang nasabing bomba ilang oras matapos na masamsam ng tropa ng pamahalaan ang arms cache ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF)  at pagkakaaresto sa isa nitong miyembro sa bayan ng Rajah Buayan.

Pinaghihinalaang BIFF ang nag-iwan ng nasabing bomba.

 

AYON

BANGSAMORO ISLAMIC FREEDOM FIGHTERS

DIRECTOR P

IMPROVISED EXPLOSIVE DEVICE

ISANG

MAGUINDANAO PROVINCIAL POLICE OFFICE

RAJAH BUAYAN

RODELIO JOCSON

SHARIFF AGUAK

SR. SUPT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with