^

Police Metro

Bus hulog sa kanal: 3 todas, 14 sugatan

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang pampasaherong bus ang naaksidenteng nahulog sa isang malalim na kanal na ikinasawi ng tatlo katao at pagkasugat ng 14 iba pa kahapon ng madaling-araw sa bayan ng Burgos, Ilocos Norte.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Beverly Palma, 22; Hilda Acobo, 29 at Jill Bacuyag, 19.

Habang nilalapatan ng lunas sa Bangui District Hos­pital ang 14 na biktima na inaalam pa ang mga pangalan.

Batay sa imbestigas­yon, dakong alas-2:45 ng madaling-araw nang maganap ang sakuna sa national highway ng Brgy. Saoit, Burgos ng lalawigang ito.

Nabatid na galing sa  Cagayan at biyaheng Vigan City, Ilocos Sur ang GMW Bus (BVD- 621) na minamaneho ni Roel Trinidad nang aksidente itong mahulog sa isang malalim na kanal sa tabi ng highway.

Sa salaysay ni Trini­dad na  may bumato umano sa kanyang windshield na na­ging dahilan kaya’t nawalan siya ng kontrol sa manibela at dumeretso sa kanal.

Ang driver ng bus ay nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to multiple homicide at multiple serious physical injuries and damage to property.

Ayon sa pulisya na ang naaksidenteng bus ay sister company ng Florida Bus na naaksidente at kumitil ng buhay ng 14 katao kabilang ang komedyanteng si Tado Jimenez sa Banaue Bontoc road sa Mountain Province noong nakalipas na Pebrero.

 

vuukle comment

BANAUE BONTOC

BANGUI DISTRICT HOS

BEVERLY PALMA

BURGOS

FLORIDA BUS

HILDA ACOBO

ILOCOS NORTE

ILOCOS SUR

JILL BACUYAG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with