Davao Oriental niyanig ng 5.8 na lindol - Phivolcs
MANILA, Philippines - Niyanig ng magnitude 5.8 na lindol ang bahagi ng Davao Occidental at naramÂdaman sa ilang siyudad malapit dito kahapon, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Sinabi ng kagawaran, ang lindol ay naramdaman may 31 kilometro sa timog-silangan ng Sarangani, Davao Occidental, ala 1:44 ng hapon.
May lalim itong 113 kilometro na ayon sa ahenÂsya ay maaring magdulot pa ng mga sumunod na aftershocks.
Gayunman, tectonic ang origin nito, pero naramdaman ang intensity 4 sa Davao City, Mati City, at Davao Oriental; intensity 3 sa Bislig, Surigao del Sur, at Tagum city; at intensity 1 sa may Gingoog, Misamis Oriental.
Wala namang iniulat na nasaktan o nasirang ari-arian sa naturang pagyanig.
- Latest