Nene pisak sa bus
MANILA, Philippines - Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang 5-anyos na batang babae matapos na masagasaan ng isang pampasaherong bus sa kahabaan ng national highway sa Dapitan City, Zamboanga del Norte.
Ang nasawing biktima ay kinilalang si Reah Balladares Dagpin, residente ng Brgy. Sulangon, Dapitan City.
Sa ulat, bandang alas-5:30 ng hapon nang biglang tumawid ang biktima sa national highway ng Brgy. Sulangon at hindi napansin ang pagdating ng mabilis na Hino Bus Rural Transit (JVL-185) na minamaneho ni Gilgar Dagpin, 49, ng Lala, Lanao del Norte at nasalpok ito at nasagasaan.
- Latest