Para hindi makabalik sa kulungan... Napoles ayaw bayaran ang hospital bill

MANILA, Philippines - Dapat anya na sampahan na estafa ang tinaguriang pork barrel scam queen na si Janet Lim Napoles matapos ayaw nitong bayaran ang P100,000 bill nito sa Ospital ng Makati (OSMAK).

Ito ang inihayag ni Senator Aquilino “Koko” Pimentel dahil masyado na umanong ginugulo ni Napoles ang justice system ng bansa matapos niyang pagnakawan ng bilyong salapi ang kaban ng bayan ay tumatanggi namang bumalik sa kulungan sa pamamagitan ng hindi pagbabayad sa kanyang hospital bill matapos maoperahan.

Hindi rin maintindihan ni Senator Francis “Chiz” Escudero  kung bakit mistulang ayaw ring pakawalan ng ospital si Napoles dahil lamang sa wala itong pambayad, gayung ang ibang ospital ay ayaw tumanggap ng pasyente kapag walang deposito, pero si Napoles tinanggap kahit hindi nagdeposito.

Kinuwestiyon din ni Escudero kung bakit pinapayagan ng Philippine National Police at maging ng Department of Justice na ang masunod ay ang kagustuhan ni Napoles sa halip na sundin ang utos ng korte.

 

 

 

 

Show comments