MANILA, Philippines - Posible anya na may kinalaman sa relihiyon ang protesta na nauwi sa madugong riot na ikinasawi ng apat na preso at pagkasugat ng 16 iba pa sa loob ng Quezon Provincial Jail kahapon.
Ang mga nasawi ay kinilalang sina Manolito Palma, Christian Contemplacion, Jose Umali Escasa at Gary Esguerra.
Ang 16 na nasugatan ay isinugod sa Quezon Medical Center para malapatan ng lunas.
Sa ulat ni Supt. Allen Rae Co, hepe ng Lucena City Police, nangyari ang kaguluhan bandang alas-10:00 ng umaga matapos na hikayatin ng mga preso ang kanilang mga kasamahan na iprotesta ang napipintong paglilipat sa kanilang lider na si Antonio Satumba sa ibang kuluÂngan.
Nang akmang ililipat na sa ibang detention unit ang nasabing mga preso mula sa Sigue Sigue Sputnik gang na pinamumunuan ni SaÂtumba ay agad na kinuÂyog ng mga ito ang mga jailguard at kinuha ang baril saka pinaputukan ang mga guwardiya.
Napilitan naman ang mga jailguards na magpaputok ng baril na ikinasugat ng mga umaatakeng inmates.
Nabatid pa na ang grupo ni Satumba ang may pakana ng protesta ay pinigil ang mga kapwa nito inmates na dumalo sa pagsamba ng Iglesia Ni Cristo nilang mga kasamahan sa loob ng piitan na binantaang pang may masamang mangyayari kapag hindi nakiisa sa kanilang plano.
Nasamsam naman ng mga nagrespondeng mga pulis ang dalawang sumpak at cal. 22 mula sa grupo ng mga nanggulong preso.