^

Police Metro

2 aleman nawawala sa Palawan

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Matapos ang umano’y mag-island hopping sa karagatan na nasasakupan ng lalawigan ng Palawan ay iniulat na nawawala ang dalawang turistang Aleman.

Kinumpirma ni AFP Western Command Chief Lt. Gen. Roy Deveraturda ang pagkawala ng dalawang Aleman na  kinilalang sina Stefan Viktor Okonek, 71-anyos at Herike Diesen, 55- anyos.

Nabatid na dumulog sa mga otoridad ang mga kasamahan ng dalawang Aleman matapos na ang mga ito ay hindi makabalik sa tinutuluyang resort sa Palawan  simula pa noong Abril 24.

Sa salaysay, nang mga biktima  na lulan ng kanilang yate ay humiwalay sa mga kasamahan at nag-island hopping.

Tanging ang sinak­yang yate ng dalawang Aleman ang natagpuan habang palutang-lutang sa karagatan ng Brgy.Tagnato, Bataraza, Pa­lawan.

Pinaiimbestigahan na rin ng mga opisyal kung tinangay ang dalawang banyaga ng mga Abu Sayyaf na dumarayo rin sa Palawan.

vuukle comment

ABRIL

ABU SAYYAF

ALEMAN

HERIKE DIESEN

PALAWAN

ROY DEVERATURDA

STEFAN VIKTOR OKONEK

WESTERN COMMAND CHIEF LT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with