39 sibilyan na bihag ng NPA pinalaya

MANILA, Philippines - Pagkatapos na gawing human shields ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ang 39 sibilyan laban sa tropa ng mga sundalo ay pinalaya na rin pagkatapos ng isang araw naganap sa lalawigan ng Compostela Valley.

Batay sa ulat, bandang alas-10:00 ng umaga noong Sabado nang bihagin ng mga rebelde ang 39 katao kabilang ang isang sanggol sa Brgy. Mahayahay, Maragusan Compostella Valley para gawing human shields at dinala sa kanugnog na bayan ng Mabini.

Unang pinalaya kamakalawa ng mga rebelde mula sa Guerilla Front 2 ng Pulang Bagani Command ang 26 bihag  at alas-4:00 naman ng hapon  nang pakawalan sampu pang hostages kabilang si Brgy. Chairman Juanito Torcende na Kahapon ng umaga ay pinawalan na rin ng mga rebelde ang tatlo pang nalalabing bihag.

Patuloy ang pagtugis ng tropa ng pamahalaan laban sa grupo ng mga rebelde na nang-hostage ng mga sibilyan.

Inihayag naman ni Captain Ernest Carolina, ang nasabing lugar ay isang ‘gold panning area’ dahilan ang mga tao rito ay nabubuhay sa pagmimina na madalas kotongan ng revolutionary tax ng NPA rebels.

 

Show comments