HS graduate nagbigti

MANILA, Philippines - “Akyat na ko at matutulog, di ako kamukha ni tatay na pagnakainom  namemerwisyo pa”.

Ito ang huling sinabi ng isang 17-anyos na binatil­yo matapos na matagpuan na nakabigti sa loob ng kanilang bahay sa Isla Puting Bato, Tondo, Maynila kamakalawa ng gabi.

Ang biktima na hindi na umabot ng buhay sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center (GABMMC) ay kinilalang si Jayrald Guillano, bagong graduate lamang sa high school, residente ng Purok 5,  Isla Pu­ting Bato, Tondo.

Batay sa ulat, bago nadiskubre ang pagbibigti ng biktima dakong alas-8:30 ng gabi ng kanyang ina sa ikalawang palapag ng kanilang bahay ay tila may galit ito sa kanyang tatay na umano kapag lasing ay pineperwisyo sila.

Nagpaalam pa ang biktima sa inang si Josephine Guillano, 40, bago pumanhik ng bahay at naglabas ng sama ng loob sa tatay.

Ilang minuto ang nakalipas ay pumanhik na rin sa ikalawang palapag ang ina at dito ay nakita ang anak na nakabigti sa kisame gamit ang nylon cord.

Nagpasaklolo ang ina sa mga kapitbahay para mai­baba ito sa pagkakabigti at dinala sa nasabing pagamutan, subalit hindi na ito umabot ng buhay.

Show comments