^

Police Metro

Rep. Gloria pwede nang magpiyansa kung...

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines - Maaari nang  payagan si  Pampanga Rep. Gloria Arroyo na makapagpiyansa kung patuloy na mabibigo ang prosekusyon na makapagharap ng testigo sa ginagawang pagdinig  ng graft court sa kaso nitong plunder. 

Ito ang inihayag ng Sandiganbayan First Division chairman Justice Efren dela Cruz nang  muling hilingin ng prosekusyon na maipagpaliban ang presentasyon ng mga saksi na tatayo laban sa naturang kaso ni dating pangulong Arroyo.

Bagamat tutol ang depensa sa hakbang ng prosekusyon ay pinagalitan at pinagsabihan sila ni Justice DeLa Cruz na kung walang maihaharap na testigo sa gagawing pagdinig sa darating na Miyerkules ay maaaring makapaghain na ng bail petition si Gng. Arroyo.

At kapag pinayagang makapagpiyansa si Gng.Arroyo, maaari na itong makalabas sa pagkaka hospital arrest sa Veterans Memorial Hospital. 

Si Gng. Arroyo at siyam na iba ay nahaharap sa kasong plunder dahil sa umano’y maanomal­yang  paglustay sa P360 milyon intelligence fund ng Philippine Charity Sweepstakes Office.

vuukle comment

CRUZ

GLORIA ARROYO

GNG

JUSTICE EFREN

PAMPANGA REP

PHILIPPINE CHARITY SWEEPSTAKES OFFICE

SANDIGANBAYAN FIRST DIVISION

SI GNG

VETERANS MEMORIAL HOSPITAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with