MANILA, Philippines - Namatay noon din ang isang 38-anyos na jeepney driver nang barilin ng isang lalaking nakaangkas sa motorsiklo matapos na magkaroon ng gitgitan sa kalye kahapon ng madaling-araw sa Intramuros, Maynila.
Ang nasawi dahil sa tinamong tama ng bala sa ulo ay kinilalang si Johnny Mateo, may-asawa ng Ricon St., Malinta, Valenzuela City.
Hindi pa kilala ang suspek na angkas ng isang pulang Honda motorcycle na nakasuot ng helmet.
Sa ulat, dakong alas-12:45 ng madaling araw ay namamasada ang biktima ng kanyang jeep (NVC-236) na may rutang Malanday-Pier (vice-versa) at pagdating sa Bonifacio drive, Anda Circle, Intramuros ay dinikitan siya ng motorsiklo at barilin ng lalaÂking nakaangkas at nang tamaan ay mabilis na tumakas ang mga suspek sa direksiyon ng Delpan bridge.
Hinala ng pulisya na nagkaroon muna ng gitgitan ang dalawa sa kalye na inakala ng biktima na tapos na yun pala ay napikon ang mga suspek kaya’t hinabol ito at nang maabutan ay binaril.