Bus tumaob: 6 todas

MANILA, Philippines - Tumaob ang isang pampasaherong bus sa national highway ng Aurora, Zamboanga del Sur na ikinasawi ng 6 katao kabilang ang isang 3 buwang sanggol na lalaki naganap kamakalawa.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Kent John Lachica, 7; Jorelyn Lachica, 14 at Clenie Chiarra Lachica, 16, pawang taga Lanao del Norte;  Jhecyl Nicdao, 2; Revin John Languyan, 3 buwang sanggol at Lilia Billetes.

Nilalapatan ng lunas sa pagamutan ang mga sugatang sina  Rosalyn  Ceniza, 29; Epifania Jumawan, 73; Anecita Quiapo, 66; Diosdada Benigay, 53; Arjohn Bandico, 16; Mark Dennis Martel, 18; Marcelisa Nicdao, 29; Evelyn Delosa, 43; John Rey Lachica, 5; Delia Martel, 42; John Rey Tayogan, 13; Yo Ta­yogan and Jimjim Tayogan; Solomon Soliva, 49; Janice Lu­nguyan, 22; Maria Estelita Talampas, 53 at Arlene Apostol, 46.

Sa ulat, dakong alas-12:10 ng hapon ay lulan ang mga biktima ng bus na Rural Transit Min­danao Incoporated (KWU-252)  na patungong Cagayan de Oro City nang mangyari ang sakuna sa kahabaan ng national highway ng Purok 1, Brgy. Anonang, Aurora.

Nabatid na nawalan umano ng kontrol sa manibela ang bus dri­ver na si Biato Dumpa habang bumabagtas sa pakurbadang highway  dahilan upang bumaliktad ang bus at makailang ulit na nagpagulung-gulong.

Isinailalim naman sa kustodya ng Aurora Municipal Police Station ang driver ng bus kaugnay ng kasong kriminal na kinakaharap nito.

 

Show comments