Doctorate Degree iginawad ng PLM kay Isko

MANILA, Philippines - Iginawad ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) kay Manila Vice Mayor Isko Moreno ang  Doctorate Degree for Community Development.

 Ayon sa Board of Regents ng PLM,  ang conferment ay bunsod na  rin  ng mga achievements  at nagawa ni Moreno sa lungsod.

 Malugod naman tinanggap at naging emosyonal si Moreno sa pagtanggap ng parangal na  hindi para sa kanya kundi para sa mga napakaraming kabataan na hindi nabigyan ng oportunidad na mag aral dahil sa kahirapan.

“Na kapag nagsumikap ka and if you work hard enough, pwede pala! Pwedeng palang mangarap. Hindi ko pala kailangang maging dayuhan para ma­bigyan ng ganitong klaseng parangal,” ani Moreno.

 Si Moreno ay pangulo din ng Vice Mayors League of the Philippines ay nagsabi pang mas gugustuhin  niyang  ituon ang kanyang panahon sa makabubuti sa Maynila sa halip na  pansinin ang mga  bumabatikos sa kanya.

Show comments