Pulis bulagta sa responde

MANILA, Philippines - Bulagta ang isang pulis matapos makipagbarilan sa isang lalaki sa loob ng gym sa isang paaralan  sa Pasig City kahapon ng umaga.

Ang biktima ay nakilalang si SPO1 Fernan Cle­mente, 36, nakatalaga sa Pasig City Police na nasawi sa pagamutan dahil sa tinamong tama ng bala ng shot gun sa katawan.

Base sa report na tinanggap ni Sr. Supt., Mario Rariza hepe ng Pasig City Police, dakong alas-8:30 ng umaga nang maganap ang pamamaril sa loob ng gym ng Saint Gabriel International School sa Sandoval Avenue Barangay Palatiw sa lungsod.

Maglalaro sana ng basketball ang biktima sa nasabing paaralan nang tawagin siya ng mga guwardiya para hu­mingi ng tulong dahil sa nanggugulo ang anak ng may-ari ng eskuwelahan na nakilalang si Emerson Aries Go.

Dahil sa alagad ng batas ang biktima ay agad itong rumesponde at paglabas nito sa loob ng nasabing paaralan ay bigla na lamang siyang sinalubong ni Go ng isang putok ng shot gun.

  

Show comments