Lacson, tutok parin sa trabaho bilang rehab czar - Malacañang

MANILA, Philippines - Tutok parin bilang rehabilitation czar si dating Senator Panfilo ‘Ping’ Lacson sa kabila ng pinanghahawakang impormasyon nito tungkol sa pork barrel fund scam.

Ito ang  tiniyak kahapon ng Malacañang na nagsabing hindi napapabayaan ni Lacson ang kanyang trabaho para tumulong sa mga biktima ng bagyong Yolanda.

Ayon kay deputy presidential spokesperson Abigail Valte, hindi kailangang pagsabihan ng Malacañang si Lacson sa kung ano ang dapat gawin dahil halos nakatuon pa rin ang buong atensiyon nito sa problemang iniwan ng bagyong Yolanda noong nakaraang taon.

Hindi rin aniya nakikita ng Malacañang na “interference” sa panig ni Lacson ang biglang pagsulpot ng isyu ng pork barrel fund scam kung saan ibinigay sa kanya ng asawa ni Janet Lim-Napoles na si Jimmy Napoles ang listahan ng mga sinasabing sangkot sa scam.

 

Show comments