^

Police Metro

Pastor nalunod sa dagat

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nabahiran ng trahedya ang isang outing sa beach resort sa bayan ng Lian, Batangas matapos na malunod ang isang pastor kamakalawa.

Ang biktima ay kinilalang si Danilo Butial, 59, Pastor sa Christ Life Prayer Ministry International (CLPMI) na naka­talaga sa National Hou­sing Authority-Calauan Church  na matatagpuan sa  Brgy. Dayap, Calauan, Laguna.

Sa ulat bandang alas-7:00 ng umaga nang matagpuan ang bangkay ng biktima na nakalutang sa dagat sa tapat ng isang club house sa  Brgy. Lumaniag, Lian.

Nabatid na bago ang insidente, bandang alas- 12:00 ng madaling-araw nang yayain ng biktima ang dalawa niyang mi­yembro na mamingwit ng isda sa dagat malapit sa tinutuluyan nilang cottage.

Sumama naman sina Arnold Gimoro, 40 at ­Ariel Reyno, 39  sa kanilang pastor, subalit bandang alas-2:30 ng madaling-araw ng nasabi ring araw ay napansin nilang nawawala ang biktima.

Ipinaalam nila ito sa mga kasamahan para  hanapin ang pastor ang nawawalang pastor.

Matapos ang ilang oras na paghahanap ay natagpuan ang biktima na wala ng buhay na lumulutang sa dagat.

 

vuukle comment

ARIEL REYNO

ARNOLD GIMORO

AUTHORITY-CALAUAN CHURCH

BATANGAS

BRGY

CHRIST LIFE PRAYER MINISTRY INTERNATIONAL

DANILO BUTIAL

LIAN

NATIONAL HOU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with