^

Police Metro

‘Daisy’ dinukot ng gurang na suitor

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Marahil hindi matanggap ng matandang lalaki ang ginawang pagbasted sa kanya ng nililigawan na 16-anyos na dalagitang Filipino-Chinese kung kaya’t  kanya itong dinukot naganap sa bayan ng Baliguian, Zamboanga del Norte.

Nakilala ang biktimang si Litlyn Lim, residente ng Brgy. Malinao, Baliguian ng lalawigang ito.

Sa ulat, naganap ang pagdukot sa biktima bandang alas -5:00 ng hapon sa naturang lugar ng suspek  na  lulan ng kulay dilaw na scooter patungo sa direksyon ng bayan  ng Gutalac.

Ang suspek ay natukoy namang si Ferdinand Franco, 55-anyos, crew member ng isang fishing vessel na may markang GMA na umano’y may isang buwan ng nanliligaw sa dalagita.

Bandang alas-5:30 ng hapon kamakalawa nang magawang makauwi ng biktima matapos na umano’y matakasan ang suspek.

Nagsagawa nang pagtugis ang mga otoridad laban sa suspek habang inihahanda na rin ang kasong kriminal.

 

vuukle comment

BALIGUIAN

BANDANG

BRGY

FERDINAND FRANCO

FILIPINO-CHINESE

GUTALAC

LITLYN LIM

MALINAO

MARAHIL

NAGSAGAWA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with