Lalaki dedbol sa mag-utol

MANILA, Philippines - Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang 33 anyos na lalaki matapos itong pagtulungang bugbugin ng isang mag-utol, kamakalawa sa loob ng isang subdivision sa Brgy. Inocencio,Trece Martirez City, Cavite.

Ang nasawi ay kini­lalang si Adrian Francisco, may asawa, technician, ng B-46, L-05, Phase 1, Southville Subdivision ng nasabing barangay.

Agad nadakip ang magkapatid na sina Felicisimo Lozada, Jr., 46, binata, hairdresser at Nilo, 38 may-asawa pintor, kapwa residente ng nasabing subdivision,

Sa ulat, dakong alas-12:30 ng umaga nang maganap ang insidente matapos na magkapikunan ang biktima at magkapatid na suspek  na nauwi sa suntukan.

Dumampot ang magkapatid ng malaking bato at tubo at pinaghahataw ang biktima hanggang sa mawalan ito ng malay tao.

 

Show comments