MANILA, Philippines - “I’m facing the charÂges. I’ve always faced it,†.
Ito ang paniniguro ni Atty. Jessica ‘Gigi’ Reyes, dating chief of staff ni Senator Juan Ponce-Enrile, nang buÂmalik sa bansa noong Sabado matapos ang 7 buwan simula nang umalis ito sa gitna ng kasagsagan ng P10 bilyon pork barrel scandal matapos ang pagdating nito sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ayon sa airline at immigration sources, si Reyes ay dumating sakay ng Philippine Airlines flight PR 105 mula sa San Francisco International Airport.
Siya ay guwardiyado sa pagdating sa NAIA Terminal 2 ng dalawang security personnel na nakasibilyan at isinakay sa isang pribadong sasakyan.
Si Reyes ay inakusaÂhan ng mga whistlebloÂwers na bagman ni Enrile sa mga kickbacks galing pork barrel scam sangkot ang negosyanteng si Janet Lim Napoles.
Magugunita na noong Abril 1, ay nakitaan ng Ombudsman ng probable cause para sampahan ng plunder at graft charges laban kina Senators Enrile, Jose “Jinggoy†Estrada Jr., Ramon “Bong†Revilla at iba pa kabilang si Reyes dahil sa pork barrel scam.
Sinabi na noon ni Enrile na tiwala siya na hindi siya isasangkot ni Reyes sa nasabing anomalya dahil wala naman itong natatanggap na mga kickback mula pork barrel transactions na una na rin nitong itinanggi.
Samantala, ikinatuwa ng Malacañang ang pagbabalik sa bansa ni Reyes na inaasahang makakapagbigay-linaw sa pork barrel scam isyu. -Rudy Andal, Malou Escudero-