MANILA, Philippines - Hinto muna sa biyahe ang tren ng Philippine National Railways (PNR) sa Huwebes Santo at naman sa Biyernes Santo at Sabado de Gloria.
Ito ang inihayag ni PNR general manager Engineer Joseph Allan Dilay na ang layunin ay bigyang-daan ang pagsasagawa ng maintenance sa
kanilang mga tren at iba pang pasilidad.
Ngayong Holy Week ay limitado ang operasyon ng PNR para sa kanilang Metro Manila commuter service na bumibiyahe mula sa Tutuban at Sta.
Rosa, Laguna.
Sa Huwebes Santo naman, magkakaroon ng mas maiksing operating hours o hanggang alas-7:30 lamang ng gabi.
Suspendido ang operasyon sa Good Friday hanggan Black Saturday at magbabalik ng operasyon sa Linggo ng
Pagkabuhay, maliban lamang sa first trip nito na alas-5:00 ng umaga.
Ang normal na operasyon ng PNR ay magpapatuloy sa Lunes, Abril 21.