Bata nalunod sa fishpond

MANILA, Philippines - Isang 6 anyos na batang lalaki ang nalunod sa ginagawang fishpond sa Brgy. Matic, Matic, Sta Barbara, Pangasinan kamakalawa.

Ang biktima ay kinilalang si John Ryan Cabral, residente sa Brgy. Matic Matic ng nasabing bayan.

Sa ulat ng Pangasinan Police, naglalaro ang bata sa tabi ng naturang fishpond bandang alas-12:00 nang tanghali  ng mangyari ang aksidente.

Nalaman lang ang aksidente  dakong ala-1:00 ng hapon nang hanapin ito ng kaniyang ina ang bata para patulugin at nagulat na lamang ng isa nilang kapitbahay ang magsisigaw ng makitang nakalutang sa fishpond  ang bata.

Show comments