^

Police Metro

Lee, Cornejo at 5 pa arestuhin

Doris Franche-Borja at Lordeth Bonilla - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nag-isyu ng arrest warrants ang Taguig Municipal Trial Court (MTC) Branch 74 laban kina Cedric Lee, Deniece Cornejo at limang iba pa sa kasong  grave coercion kay actor-host Vhong Navarro. Ito ang kinumpirma kahapon ni Justice Secretary Leila de Lima.

Ayon kay DOJ Pro­secutor General Claro Arellano na noon nakalipas pa na Biyernes (Abril 11) nang  magpalabas ng warrants of arrest si Taguig MTC Branch 74 Judge Bernard Bernal.

Ang nasabing mandamiento de aresto ay hiwalay sa kasong serious illegal detention na naisampa sa Taguig City RTC Branch 271.

Sa resolution na may petsang Abril 4, ay sinabi ng DOJ na malinaw na ang grupo ni Lee ay inalisan si Navarro ng kalayaan noong  Enero 22 hanggang sa hatinggabi ng  Enero 23 na isang elemento ng krimen na serious illegal detention na isang kaso na walang piyansa na nasa sala ni  Judge Paz Ezperanza Cortes, ng Taguig City Regional Trial Court, Branch 271.

Bukod kina Cornejo at Lee, kasamang ipi­naaaresto sa kasong grave coercion sina Bernice Lee, Simon Raz, Jose Paulo Gregorio Calma, Ferdinand Guerrero at Jed Fernandez.

Nabatid na ang kasong grave coercion ay isang bailable offense kung saan pinapayagan ang respondent sa kaso na magpiyansa ng  P12,000 kada isa.

 

ABRIL

BERNICE LEE

CEDRIC LEE

DENIECE CORNEJO

ENERO

FERDINAND GUERRERO

GENERAL CLARO ARELLANO

JED FERNANDEZ

JOSE PAULO GREGORIO CALMA

JUDGE BERNARD BERNAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with