1 ASG member utas sa encounter sa AFP

MANILA, Philippines - Utas ang isang miyembro ng Abu Sayyaf Group matapos ang pakikipagbakbakan sa mga tauhan ng Armed Force of the Philippine (AFP) sa Brgy. Danag, Patikul Sulu, kamakalawa.

Ayon kay Brig. Gen. Martin Pinto, commander ng 2nd Marine Brigade, ang sagupaan ay naganap ng alas-5:00 ng hapon sa nasabing lugar.

Sinabi ni Pinto, ang nasawing bandido ay nasa ilalim ng pamumuno ni ASG sub-leader Basaron Aruk at Ninok Sappari.

Aniya, napilitang umatras ang mga rebelde patungo sa direksyon ng Brgy. Tupas bitbit ang hindi mabatid na bilang ng mga sugatan nilang kasamahan.

 Patuloy ang clearing operation na ginagawa ng tropa ng AFP sa lugar, gayundin ang pagsuyod sa nalalabing mga ASG members na responsable sa serye ng pagdukot at pangongotong sa probinsya ng Sulu.

 

Show comments