Pekeng sex drugs sinamsam ng NBI

Kinumpiska ng mga ahente ng NBI ang kahun-kahong sex enhancer drugs sa isinagawang pagsalakay sa mga tindahan sa kanto ng Recto at Rizal Avenue, Sta. Cruz, Maynila.- Edd Gumban-

MANILA, Philippines - Sinamsam ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI) ang kahun-kahong sex enhancer drugs na ikinaaresto ng apat na Intsik sa magkakahiwalay na operasyon  sa Binondo, Sta. Cruz at Pasay City, kahapon ng umaga.

Sinalakay dakong alas-11:00 ng  umaga ang mga stalls sa  Bawit  at Duerme Pharmacy sa C. M Recto sa Sta. Cruz, Maynila; Carriedo, Sta. Cruz; U-Ned Pharmacy Longshung sa tapat ng simbahan ng Sta. Cruz; mayroom din sa  168 Mall, Reina Regente sa Binondo at ang dalawang tindahan naman sa Baclaran, Parañaque at Pasay City.

Nabatid na humingi ng assistance ang kumpanya ng Robust sa NBI dahil sa nababalitaan nilang nagkalat ang pekeng Robust na nagdudulot umano ng pananakit ng ulo.

Nagsagawa ng test buys at ipinasuri sa Food and Drugs Administration (FDA) ay lumabas na peke ang mga gamot na hindi aprubado ng FDA.

Show comments