^

Police Metro

Italian diplomat tiklo sa child trafficking

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Kulungan ang binagsakan ng isang Italian Diplomat na umano’y pedopilya makaraang masangkot ito sa kasong child trafficking, sa isinagawang operasyon sa Splash Island Resort sa Biñan City, Laguna kamakalawa  ng gabi.

 Sa ulat ni Laguna Provincial Police Office (PPO) Director P/ Sr. Supt. Romulo Sapitula kinilala ang suspect na si  Daniel Bosio, 46 anyos, binata, nagtatrabaho sa Ministry of Foreign Affairs bilang councilor sa Turkmenistan at pansamantalang nanunuluyan sa 30B Tower 1 sa Eastwood City sa Metro Manila.

Nadakip si Bosio dakong alas-8 ng gabi  dahil sa reklamong isinampa nina Catherine Scerri at Lily Flordelis ng Bantay Tuluyan Foundation.

Nasakote ang suspect habang kasama ang tatlong batang lalaki sa Splash Island Resort  na nagkakaedad 12, 10 at 9 anyos  na galing pa sa Maynila.

 Hindi na nakapalag ang nasabing diplomat matapos na mahuli sa akto ng mga awtoridad. Nahaharap ngayon sa kasong paglabag  sa kasong paglabag sa Republic Act 9208 o ang Anti-Child Trafficking Law.

ANTI-CHILD TRAFFICKING LAW

BANTAY TULUYAN FOUNDATION

CATHERINE SCERRI

DANIEL BOSIO

DIRECTOR P

EASTWOOD CITY

ITALIAN DIPLOMAT

LAGUNA PROVINCIAL POLICE OFFICE

LILY FLORDELIS

SPLASH ISLAND RESORT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with