Habang nahaharap sa plunder... JPE, Bong at Jinggoy bakasyon muna?
MANILA, Philippines - Kusang loob na paghahain ng leave of absence mula sa Senado habang may kinakaharap na kasong plunder sina Senators Juan Ponce-Enrile, Bong Revilla at Jinggoy Estrada.
Ito ang sinabi ni SeÂnate President Franklin Drilon at ipinauubaya na niya sa tatlong senador kung magbo-boluntaryo silang magbabakasyon sa sandaling masampahan ng kaso kaugnay sa P10 bilyong pork barrel fund scam.
Idinagdag ni Drilon na kung makikita ng Sandiganbayan na may “proÂbable cause†sa laban sa tatlong senador ay maaaring mabago ang pangyayari dahil maaari ng magpalabas ng warrant of arrest ang anti-graft court.
Kung magpapalabas ng warrant of arrest at kung magkakaroon ng order para suspendihin sila sa Senado ang tatlong senador ay ilalagay sa detensiyon.
Ipinunto pa ni DriÂlon na non-bailable offense kaya hindi maaaring makadalo sa sesyon ng Senado ang tatlo.
Maging si Senator Francis “Chiz†Escudero ay naniniwala na isa aniyang “voluntary act†ang paghahain ng leave of absence at malayang magkakapag-desisyon tungkol dito sina Enrile, Estrada, at Revilla.
- Latest