Bangkay inilagay sa ilalim ng kama... 12-anyos ni-rape/slay

MANILA, Philippines - Isang 12-anyos na batang babae ang hinalay at pinatay na kung saan ay tangka pang itago ang krimen nang balutan ito ng kurtina at ilagay sa ilalim ng kama kamakalawa ng hapon sa Tondo, Maynila.

Natagpuang walang saplot, may dugo sa bibig at sugat sa leeg, mukha at braso ang biktimang si Josephine Dealagdon ng Building 30, Unit 29, Aroma, Temporary Hou­sing, Tondo, Maynila nang ito ay matagpuan.

Ang suspek na pi­naghahanap ng pulisya ay hinihinalang si Evert Espanillo, alias Berto, 29, truck helper  ng Unit 12 at kapitbahay ng biktima.

Sa ulat, dakong alas-3:00 ng hapon nang matagpuang ang bangkay ng biktima sa inuupahang bahay ng suspek.

Huling nakitang buhay ang biktima noong Marso 30 dakong alas-7:00 ng gabi nang utusan ito ng kanyang nanay na bumili ng mineral water sa kalapit na tindahan, subalit hindi na nakauwi pa.

Show comments