Pumatay ng OSY, tigok resbak

MANILA, Philippines - Tigok ang isang obrero makaraang resbakan ng mga kaanak ng isang Out of school Youth (OSY) na kanyang pinatay sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang mga nasawing sina Jerome Ricalde, 16, out of school youth, na residente ng no. 320 Tenement Building, Delpan, Tondo, Maynila at Glen Aguilar, 25, residente ng Slip Zero Apex Compound, Pier 2, Tondo, Maynila.

Sa ulat ni SPO1 Mario Asilo, ng Manila Police District-Homicide Section, dakong ala-1:15 ng hapon nang maganap ang insidente sa Gate 7,  Area A, Parola Compound hanggang sa Slip Zero Apex Compound Pier 2, sa Tondo.

Nabatid na nakita umanong  hinahabol ng saksak ni Aguilar ang binatilyo at nang makorner ay inundayan ng ilang ulit na saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Nang makita ng mga kaanak ng binatilyo ang ginawa ng suspek na si Aguilar ay sumaklolo ang mga ito at kanila rin pinagsasaksak ang obrero.

Dead-on-arrival na sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center (GABMMC) si Ricalde dahil sa mga saksak ng ice pick. Habang si Aguilar naman ay dead-on-the spot.

Inilagak sa Sol Funeral  si Aguilar habang sa Grace Funeral naman dinala ng bangkay ni Ricalde.

Show comments