Barko ng Pinas hinaras ulit ng China

MANILA, Philippines - Isang civilian ship ng Pilipinas ang muli na namang nakaranas ng harassment sa dalawang barko ng China matapos na harangin ito habang naglalayag patungong Ayungin shoal upang maghatid ng pagkain at supply kahapon.

Nagkaroon ng tension  nang iharang ng Chinese troops ang kanilang barko sa  civilian ship ng Pilipinas na may kargang food supplies para sa mga sundalong Pinoy na nagbabantay sa PH outpost sa Ayungin shoal  lulan ng sumadsad na BRP Sierra Madre na maraming taon nang naka-istasyon sa naturang shoal.

Kabilang sa lulan ng barko ng Pilipinas ay ang mga sundalong Pinoy na papalit sa mga sundalo na kasaluku­yang nagbabantay sa Ayugin shoal, at kasama pa ang mga lokal at international mediamen na sumaksi sa panibagong panggigipit ng Chinese troops sa pinag-aagawang shoal na nasa bahagi ng Spratly Group of Islands.

Nabatid na isang barko ng CCG na may hull number 3401 ang mabillis na dumaan sa harap ng civilian ship ng Pilipinas at humarang habang naka-posisyon pa ang ikalawang Chinese ship na may hull number 1127.

Agad umanong nagbigay ng babala ang CCG ship sa civilian ship ng Pilipinas at nag-demand na agad na umalis sa lugar dahil illegal umano silang pumapasok sa teritoryo ng China.

Naging pursigido naman ang tropa ng pamahalaan na makapunta sa Ayungin shoal  dahil ilang milya na lamang ang layo nito mula sa kanilang kinaroroonan nang harangin ng CCG.

Bunsod nito, bahagyang nagkaroon ng stand off sa pagitan ng barko ng Pilipinas at CCG hanggang sa umano’y payagan silang makatawid at makapunta sa kanilang destinasyon.

Show comments