Marangyang pamumuhay ng mga lider ng CPP-NPA-NDF kinondena

MANILA, Philippines - Dismayado ang siyam na nagsisukong miyembro ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa  marangyang pamumuhay nina CPP-New People’s Army –National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) Founder Jose Maria Sison na naka-exile sa The Netherlands, mag-asawang mataas na lider na sina Benito at Wilma Tiamzon at iba pa.

Sinabi ng nagpakilala sa alyas na Ka Lara, da­ting Finance Officer ng NPA rebels sa lalawigan ng Quezon sa loob ng isang taon ay umaabot sa P1.3M ang koleksyon nila sa revolutionary tax.

Hahatiin nila  sa apat na bahagi o 1/4 o tig mahigit P 500,000 na buo ang para kay Sison, sa national level ang ika-2 parte o sa mga top leader na sina Tiamzon, sa regional na level ang ikatlo at para naman sa provincial level ang ikaapat na pondo na nila para sa isang quarter.

Ayon kay Ka Lara na habang naghihirap ang miyembro ng NPA rebels sa kabundukan sa armadong pakikibaka at pango­ngolekta ng revo­lutionary tax ay nagpapakasasa naman sa karangyaan si Sison sa The Netherlands.

Maging ang mag-asawang Tiamzon ay kanilang kinonden dahilan P14,000 ang halaga ng pagkain ng mga kanilang aso kada buwan habang sila ay madalas na kumakalam ang sikmura sa Bondoc Peninsula sa lalawigan ng Quezon.

Show comments