3 parak sibak sa hulidap

MANILA, Philippines - Tatlong pulis na mi­yembro ng Criminal Investigation and Detection Team (CIDT) ng South Cotabato ang sinibak matapos masangkot sa hindi otorisadong raid sa isang illegal gambling den at kinotongan pa ang operator sa Koronadal City, South Cotabato noong Marso 25.

Ang mga sinibak ay kinilalang sina   SPO3 Gerry Templonuevo, PO3 Pablo Jugos at PO3 Apollo Alberto Ilao.

Sa ulat ni PNP-CIDG (Criminal Investigation and Detection Group) Director P/Chief Supt.Benjamin Magalong na hindi alam ng kanilang superior ang ginawang pagsalakay ng  tatlong pulis na walang search warrant.

Bukod dito ay hindi rin dinala sa himpilan ng CIDT South Cotabato ng tatlo ang nahuli nilang gambling den operator bagkus sa isang lugar at doon ito umano’y kinotongan ng malaking halaga kapalit ng hindi pagkukulong at pagsasampa ng kasong kriminal laban dito.

Ang tatlong pulis ay isasalang sa masusing imbestigasyon sa kasong administratibo at kriminal.

Show comments