Transgender binawalang gumamit sa banyo ng babae, nagsampa ng kaso

MANILA, Philippines - Nagsampa ng kaso sa  QC Prosecutors Office ang isang transgender laban sa isang supervisor at lady guard ng kanilang opisina matapos na bawalan siya na gumamit ng banyo na pambabae.

Sa reklamo ni John Gerard “Mara” La Torre, 22, call center agent at residente ng Rodriguez, Rizal na siya ay ipina­nganak na lalaki, subalit ang kanyang kasarian ay naging babae makaraang sumailalim sa ope­rasyon para maging transgender.

Inireklamo nito ng unjust vexation at pag­labag sa  Section 1 ng QC Ordinance SP-1309, S-2003 o discriminatory act  ay sina Mineleus Llegunas, supervisor at Anne May Pacheco, lady guard ng  NC Lan­ting Security Specialty Agency na naka-assign sa  Teleperformance sa  SM Fairview.

Sa salaysay ni La Torre na noong umaga ng  Pebrero 20 habang siya ay gumagamit ng ladies CR sa kanilang opisina sa Teleperformance ay sinabihan siya ni Pacheco na lumabas dahil bawal siya doon.

Ipinaliwanag ni La Torre kay Pacheco na transgender siya kaya’t maaari siyang gumamit ng ladies CR.

Subalit, sinabi umano sa kanya ni Pacheco na sumusunod lamang siya sa  utos ng kanyang supervisor na si Llegunas.

Inabisuhan din umano siya ng  kanilang HR department  na hindi siya maaaring gumamit ng ladies CR dahil pambabae lamang ito.

 

Show comments