MANILA, Philippines - Inihayag ng pamunuan ng Department of Education (DepEd) na hindi obligado ang mga graduates sa elementarya at high school na magsuot ng toga sa kani-kanilang graduation.
Sinabi ni DepEd Assistant Secretary Tonisito Umali na patakaran nilang gawing simple ang graduation rites sa mga pampublikong paaralan.
Ayon kay Umali, sa halip na toga, maaari namang magsuot na lamang ng uniporme ang mga magsisipagtapos sa kanilang graduation.
Aniya, wala ring dapat isiping bayarin ang mga magulang sa graduation dahil may umiiral silang “no collection policyâ€.
Nilinaw din ni Umali na pinahihintulutan naman ng gobyerno ang Parents-Teachers Association (PTA) na maÂngolekta ng pondo ngunit hindi naman aniya ito sapilitan.
Iginiit rin ni Umali na bawal umupa pa ng lugar sa labas ng pampublikong paaralan para sa graduation.
Kung may mga paaralan aniya na lumabag sa natu rang panuntunan ay maaaring magreklamo sa DepEd sa pamamagitan nang pagtawag sa 633-1942 o 636-1663 o mag-text sa 0919-4560027.
Una nang itinakda ng DepEd ang graduation ceremonies sa mga pampublikong paaralan sa Marso 27 at 28.