MANILA, Philippines - IBINASURA ng Korte Suprema ang reklamo laban kay Court Administrator Jose Midas Marquez kaugnay sa alegasyong hindi nito naaksiyunan ang ilang kaso hinggil sa mga empleyado ng Pasay court na diumanoy sangkot sa katiwalian.
Sa kautusan, idinismis ang inihaing kaso ng isang Domingo S. Mariano laban kay Marquez dahil sa kawalan ng basehan at merito.
Iginiit ni Mariano sa alegasyon na ang hindi pag-aksiyon ni Marquez ay paglabag sa “Sec. 3, par. (e) and par. (f) of Republic Act (RA) No. 3019 and Sec. 5, par. (a) of RA No. 6713.â€
Nagpakita umano ng bias o pagkiling ang Office of the Court AdmiÂnistrator (OCA) sa ilang personnel ng Metropolitan Trial Court ng Pasay City, Branch 47 sa administrative complaints ni Mariano noong Abril at Mayo 2013 kaugnay sa may 70 court employees na magkakaÂsabwat sa korapsiyon.
Ipinaliwanag naman ni Marquez na lumalabas na ginagamit lamang si Mariano ng nasuspending si Judge Eliza Yu ng MeTC, Pasay City upang makaganti sa mga court personnel na detractors nito.
May nakita umano sa police records na may calling card na may pangalan ni Judge Yu ang nakita sa wallet nito nang siya ay maaresto.
Wala umanong basehan ang reklamo dahil pawang mga kopya lamang ng reklamo at affidavits ni Yu na nag-aakusa sa mga hukom at court personnel sa isang administrative case ang naiprisinta.