1 Bahay sa QC nilooban, P2M halaga ng ari-arian natangay

MANILA, Philippines - Aabot sa P2 milyong halaga ng cash, at mamaha­ling mga gamit ang natangay sa bahay ng magkapatid nang pasukin ito ng mga di kilalang akyat-bahay sa lungsod ng Quezon, iniulat kahapon.

Sinabi ni Judith Anog, 47, sa pulisya na nawala sa kanila ang isang laptop, mga alahas, at cash money dahil sa nasabing insidente.

Ayon kay SPO1 Cristituto Zaldarriaga, nagawang makapasok ng mga suspek sa bahay ng mga biktima sa Don Jose Heights, Barangay Commonwealth matapos na umalis ang dalawa at magtungo sa bahay ng kanilang magulang sa Cainta Rizal, nitong Linggo ng umaga. Ngunit nang pagbalik ay nadiskubre nilang bukas na ang main door nila habang dinistrongka ang pintuan nila sa likod-bahay.

Agad na siniyasat ang mga gamit at nadiskubreng nalimas na ang mga ito.

 

Show comments