^

Police Metro

Kapag ipinatawag... DOJ at Senado sisiputin ni Tulfo

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sa oras na ipatawag ay sisiputin ng brodkaster na si Erwin Tulfo ang Department of Justice (DOJ), Senado at Ombusman para ibigay ang kanyang panig sa napabalitang tumanggap ito ng suhol mula sa National Agri-Business Corp. (NABCOR) na ga­ling umano sa Priority Development Assistance Fund (PDAF).

Sinabi ni Atty. Nelson Borja, abogado ni Tulfo, handang humarap ang kanyang kliyente sa anumang investigating body sa lalong mada­ling panahon para lumabas ang katotohanan kung tumanggap nga ba siya ng suhol o ito ay bayad para sa isang radio advertisement.

Ayon kay Atty. Borja, nais din ni Tulfo na magharap-harap sila nina Rhodora Mendoza at Vic Cacal ng NABCOR sa Senado o DOJ para malaman kung sino ang nagsasabi ng totoo.

Anang abogado, may CD ng commercial at income tax withholding form na hawak ang kanilang kampo na magpapatunay na lehitimo ang tseke bilang bayad sa radio advertisement ng Department of Agriculture (DA) noon at hindi ito suhol.

Magugunitang lumabas sa isang broadsheet na  itinu­ro nina Mendoza at Cacal si Tulfo at ang isa pang brodkaster na si Melo Del Prado na tumanggap umano sila ng suhol pero ipinalabas na ito ay bayad para sa isang advertisement. Ang sinasabing halaga ay P245,000 sa pamamagitan daw ng isang tseke ng UCPB at na-encash sa Ortigas noong 2009.

“Actually, P250,000 yung presyo ng radio commercial for a 30-second spot everyday for one month. Naging P245 thousand plus na lang dahil binawasan ng withholding tax sa BIR. May suhol ba na binabawasan ng buwis?”, pahayag ni Borja.

Naniniwala si Borja na sa pamamagitan ng mga investigating body ay lalabas ang katotohanan.

 

BORJA

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

DEPARTMENT OF JUSTICE

ERWIN TULFO

MELO DEL PRADO

NATIONAL AGRI-BUSINESS CORP

NELSON BORJA

PRIORITY DEVELOPMENT ASSISTANCE FUND

TULFO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with