Tuwid na daan’ ni P-Noy suportado ng LNB-NEB

MANILA, Philippines - Suportado ng Liga ng mga Barangay (LNB) National Executive Board (NEB) ang “tuwid na daan” ni Pangulong  Noynoy Aquino sa pamamagitan ng  kauna-unahang  board resolution.

Ayon kay National President Atty. Edmund R. Abesamis, mas magiging epektibo ang  barangay ngayon dahil sa suporta ring ibinibigay ng pamahalaan.

Ginanap ang  1st Board Meeting ng  LNB-NEB noong Marso 17, 2014 kung saan ang nasabing resolution ay isinumite naman kay Pangulong Aquino sa oathtaking ceremony noong Martes sa  Manila Hotel.

Nakasaad sa resolusyon na ang paglaki sa Internal Revenue Allotment (IRA) ng mga ba­­ra­ngay­ ay nagbibigay daan upang tugunan ang mga pangunahing pangangailangan o ‘basic social services’ ng mga mamamayan sa barangay.

May kaakibat na pananagutang maging masinop at maingat sa paggugol at paggasta sa salapi ng barangay upang epektibong matugunan ang mga pangangaila­ngan ng mga mamamayan.

 

Show comments