MANILA, Philippines - Inaasahang maaapektuhan ang libu-libong pamilÂya sa 13 barangay sa Calooocan City sa ilulunsad na mga proyektong NLEX Phase 2 at C-5 Link Segment 10 Project na lalarga ngayong buwan ng Abril.
Kaya itinatag ng local na pamahalaan ng Caloocan City ang “local inter-agency committee (LIAC) na hindi lang titiyak sa maayos na pag-usad ng mga proyekto kundi tututok rin sa pagbibigay ng tulong at proteksyon sa mga pamilyang labis na masasapul ng mga proyekto.
Inaasahan naman na magkakaroon ng maayos na relokasyon ang mga pamilyang madaraanan ng kalsada sa loob mismo ng lungsod na kung posible ay malapit sa mga paaralan, ospital, palengke at transportasyon na inaasahang matatapos ang proyekto sa 2015.