MANILA, Philippines - Naaresto ng mga otoridad ang itinuturong lider ng isang malaking grupo ng carnapping matapos na salakayin ang isa sa mga kuta sa isang executive village sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.
Ang suspek ay kinilalang si Joem Salvatierra, nasa hustong gulang, ng Malolos, Bulacan na itinuturong lider ng Salvatierra carnap gang na may operasyon sa buong Metro Manila at mga karatig lalawigan na Bulacan at Pampanga.
Sa isang impormasyon na nakarating sa pulisya ay nakita si Salvatierra sa bahay ng biyenan nito sa may Wyoming St., sa Vista Verde Executive Subdivision sa Brgy. Llano, ng naturang lungsod.
Agad na sinalakay ng mga tauhan ng Anti-Carnapping Unit ang natuÂrang lugar na nagresulta sa pagkakadakip kay Salvatierra.
Narekober ng pulisya ang isang hinihinalang carnap na Nissan Frontier (ZTJ-788) pick-up van na pag-aari ng kumpanyang Three Step Corporation.
Ang grupo rin ni Salvatierra ang nasa likod sa pagtangay sa sasakyan ni Senador Koko Pimentel noong 2012 at sangkot rin ang mga ito sa mga insidente ng pagnanakaw at illegal possession of firearms.