Mega road re-blocking sa EDSA gagawin sa Holy Week
MANILA, Philippines - Napagkasunduan kahapon sa pulong ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Department of Public Works and Highways (DPWH) na sa halip na tuwing weekends magsasagawa ng re-blocking ay sa buong linggo na lamang ito ng Mahal na Araw upang hindi nakakaabala sa daloy ng trapiko.
Sinabi ni DPWH-NCR Director Reynaldo Tagudando, 24/7 gagawin ang mega road reblocking sa EDSA mula Roxas Boulevard hanggang Monumento.
Mula Martes Santo hanggang Biyernes Santo kukumpunihin ang Northbound lane at mula Biyernes Santo hanggang Linggo ng Pagkabuhay naman kukumpunihin ang Southbound lane.
Nasa 39 percent na lamang ng mahigit 80k square meter ng sirang bahagi ng EDSA AÂvenue ang kailangang kumpunihin.
- Latest